SupportLocalFarmersSa kagustuhan natin makabili ang ating mga kababayan ng sariwa (bagong ani) at murang pagkain (walang middleman) kasabay ang pag tulong natin sa ating mga magsasaka na siyang dahilan kung bakit may pagkain tayo sa mesa, sinimulan natin taong 2017 ang Weekend Market sa Plaza.

Nakakatuwa na sa unang taon pa lamang (2017) ay kumita na ang ating mga magsasaka ng 2.23 milyon piso.

Sa sumunod na taon (2018) ay humigit doble pa ang napagbentahan dahil 5.52 milyon ang kabuuang kinita ng ating mga kababayang magsasaka.

Sa katatapos lang na taon, tayo po ay tiwala sa mas magandang resulta bunga ng ating patuloy na pagtangkilik.

Mabuhay po ang ating mga magsasaka.

#SupportLocalFarmers
#FarmToTable
#BagongAni
#OrganicFarming
#FreshFarmProducts