Maraming salamat at sa wakas, na approve na ng NEDA ang matagal na po nating apela at paki usap na maisakatuparan ang proposed MRT project na nagkakahalaga ng P59 billion na naglalayong i-konek ang Taytay at Cainta ng Rizal sa Eastern part ng Metro Manila tulad ng Mandaluyong, Quezon City, San Juan, Pasig at Ortigas Center sa pamamagitan ng 11 stations. Salamat din sa DOTR na siyang nanguna sa pagsulong ng nasabing proyekto. Target simulan sa taong 2021 at tapusin sa taong 2025 ang project upang mapakinabangan agad ng ating mga kalalawigan.