PublicServiceAdvisory2Kung sino man po ang nakakakilala sa mga kaanak ni Baby Boy "Vincent", siya po ay natagpuan ng ating mga kasamahan sa CSWD sa area ng Shopwise Antipolo noong nakaraang Nobyembre 26 at siya po ay kasalukuyang nasa kustodiya ng ating Bahay Kanlungan. Para sa ano man pong uri ng impormasyon, makipag-ugnayan lang sa ating CSWD sa numero 8584-7758 o 8689-4582. Maraming salamat po.