CGA SMMasinagNakisaya ang Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, sa Christmas Grand Launch ng SM City Masinag noong Nobyembre 09, 2019. May temang “Christmas Toy Adventure” ang naturang launching kung saan tampok ang pagpapailaw ng giant Christmas trees gayundin ang tatlong instagrammable Christmas nooks na hango sa most-beloved toys gaya ng Hot Wheels, Barbie, at Thomas & Friends. Patok din sa mga chikiting ang pagdating at pamimigay ng regalo ni Santa Claus sa naturang pagdiriwang. Bukod dito, muli ring sinimulan ng SM Supermalls ang kanilang charity program na Bears of Joy kung saan ibibigay sa isang charity ang makukulektang teddy bear mula sa naturang programa.