CGA ChristmasFiesta2Nasaksihan ng libo-libong Antipolenyo at mga turista ang pagpapailaw ng Christmas Carnival themed na 40-foot Giant Christmas Tree sa Sumulong Park noong November 15, 2019. Pinangunahan nina Mayor Andeng Ynares ang lighting ceremony kasama ang mga kawani ng pamahalaang lokal at panlalawigan. Alinsunod sa Ynares Eco-System (YES) Program ng Rizal Provincial Government, gawa ang Christmas Tree sa mga recycled plastic bottles, re-used cloth, reconditioned bicycles at side-cars kung saan tampok ang “Carous-Cycle” na libreng sinasakyan ng mga chikiting at mga young-at-hearts.