AiTech GoesInternational2Lumagda sa isang kasunduan ang Antipolo Institute of Technology (AiTECH), sa pangunguna ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares, at Nanyang Polytechnic (NYP) ng Singapore para sa pagpapalakas ng “Innovation & Entrepreneurship” technical knowledge at skills ng mga scholars ng AiTECH, ang unang city college sa bansa at Asya na may kursong Bachelor of Science in Construction Engineering (BSConE).

Isa ang AiTECH sa mapalad na napili ng NYP na maging partner sa mga technical exchange programs kasama ang University of the Philippines (U.P) Diliman Campus at ang main campus ng Philippine Science High School sa Quezon City.

 

Minungkahi ni Director Yang Tien ng NYP na magkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng NYP at ng AiTECH na pinirmahan naman ng bawat partido noong Oktubre 16, 2019.

Mga magagandang proyekto at programa ang napapaloob sa MOU na magiging malaking pakinabang sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral ng construction engineering. Kilala kasi ang NYP sa bansang Singapore sa larangan ng edukasyon na may kaugnayan sa Engineering, Information Technology, Design, Interactive & Digital Media, Chemical & Life Sciences, Business Management at Health Sciences. Ito rin ang kauna-unahang tie-up ng AiTECH sa isang international education institution.

Malaki ang tiwala ni Mayor Ynares na sa pagkakaroon ng mga ganitong partnerships sa mga local at international educational institution ay patuloy ang paghubog ng AiTECH ng mga engineers na pang-world class.

Hindi rin paiiwan ang AiTECH sa mga iba’t ibang pagkilalang natatanggap nila sa Department of Education, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).