CGA ChildFriendlyCity2Malaking tulong sa ating mga mag-aaral ang mga computer shops para sa pag gawa ng school projects at research works, ngunit may computer shops ang hinahayaan ang mga mag-aaral na maglaro ng computer games tuwing oras ng klase.

Kamakailan lang ay nag sagawa po tayo ng entrapment operations at 20 sa kanila ang nahuli natin sa akto na lumalabag sa ordinansa. Sila ay binigyan ng notice of violation (NOV) at penalty na P3,000. Kung sakaling mahuhuli sa pangalawang pagkakataon, sila ay papatawan ng P5,000 multa, babawian ng business permit, ipapasara at hindi na muling makakapag-operate.

Kung may mga alam po kayo na computer shops na pinapayagan ang mga mag-aaral (lalo na po ang mga naka uniform) pumasok sa kanilang establishment sa oras ng pasok o kaya ay mga shops na bukas hanggang hating gabi, maaari po ninyong ipag bigay alam sa ating tanggapan o sa FB Page na ito upang mapa imbestigahan at mabigyan ng kaukulang aksyon.

#NoToGamingDuringSchoolHours
#YesToResponsibleBusinessmen
#ChildFriendlyCity
#ChildFriendlyAntipoloCity