MissingPerson7Kung sino man po ang may kakilala sa mga kaanak ng batang babae na nasa larawan, siya po ay kasalukuyang nasa kustodiya ng ating City Social Welfare and Development Office matapos maiturnover ng isa nating mabuting kababayan.

Hirap ang ating mga kasamahan na matukoy ang kanyang pamilya at tirahan dahil hindi po makausap nang maayos ang bata. Para sa ano man pong uri ng impormasyon o lead, maaaring makipag-ugnayan lang sa ating CSWD sa numero 8584 7758 o 8689 4582. Maraming salamat po.