CGA OverchargingCaseNapagharap na po ang inireklamong tricycle driver na si G. Erwin Valle ng ASCLPTODA 210 at ang nagrereklamong babae sa tanggapan ng City Hall.

Dahil sa pag amin sa pag singil na labis sa taripa (overcharging) ng inire-reklamong tsuper at ng operator, siya po ay pinapatawan ng kanselasyon ng prangkisa.

Idinadahilan ng tsuper na kaya niya nagawa iyon ay dahil nagtataas na ang mga prsesyo ng bilihin. Humirit naman ang operator na miski siya bilang pasahero minsan ay nag babayad daw ng 100 pesos kada byahe kaya tama lang daw na taasan din ang singil ng driver niya. Tandaan po natin na hindi po ito dahilan para lumabis tayo sa itinakdang taripa at pagsamantalahan ang ating kapwa na naghahanapbuhay din para suportahan ang kanilang mga pamilya. Bukod po dito, may 18 pang tricycle drivers ang nahuli nitong nag daang buwan ng September at umamin din silang naningil ng labis (overcharging) matapos maka harap ang mga nagreklamong pasahero.