CGA KapihansaSMIt’s all about tourism promotion, public-private partnerships at information dissemination ang objectives ng Kapihan sa SM na inilunsad ng SM City Masinag noong September 13. Invited sa Kapihan sina Rizal Provincial Tourism Officer Corazon Laserna, representatives ng Antipolo-PIO at PIA-Rizal, at mga media outlets at local bloggers. Proud si SM City Masinag Public Relations Manager Vaniza Pachoco na hindi pahuhuli ang Antipolo at Rizal pagdating sa mga tourist spots at tourism programs kaya naman maraming mga investors ang pinipili ang Antipolo at Rizal para magtayo ng kanilang mga stores at businesses. Ipinakilala sa Kapihan sa SM ang mga new tenants, stores, at products na tiwala sa turismo sa Antipolo at Rizal katulad ng Coffee Grounds habang ibinahagi ni Rizal Tourism Officer Laserna na pang-9 na ang Rizal Province sa Top 10 tourist destinations sa buong bansa. Siguradong magiging exciting at kaabang-abang ang mga susunod pang session ng Kapihan sa SM in the next coming weeks.