LingapKabataan10Mahigit 600 batang lansangan ang personal na dinala sa Cabading kaninang madaling araw ng 16 na masisipag na barangay captains at PNP sa patuloy na pagpapatupad ng curfew ordinance.

Alinsunod sa ordinansa, mag mu-multa o maku-kulong ang mga magulang na nag papabaya sa kanilang mga anak. Sa ngayon, pina uwi muna natin ang mahigit 600 na kabataan kasama ang kanilang mga magulang matapos maka usap sila ng masinsinan nang walang multa o demanda.

Huling-huli na po itong babala sa lahat na seryoso ang inyong pamahalaan sa pagsulong ng kapakanan at kaligtasan ng ating mga kabataan mula sa peligro ng lansangan. Sa susunod, imbes na masarap na pagkain, papapiliin namin kayo... multa o kulong.... pero tiyak, parehong hindi niyo ikatutuwa.