Congratulations MayorJunDaghang salamat po sa buong Centro Escolar University (CEU)! Bagaman nagtataka pa rin kung bakit ako ang inimbitahan niyong mag salita,

wala naman kayo sa Antipolo at lalong hindi ko naman kamukha si Isko 😎, itinuturing ko pong isang malaking karangalan ang maging bahagi ng inyong 17th Quality Awards Day.

 

Simple lang naman po kasi talaga ang hangad ko - ang maibigay ang tamang serbisyo na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Hindi ko po hinangad ang ano man pagkilala o award. Bonus na lang po siguro yun 🙏

Bagaman first time nyo pong nag-imbita ng isang pulitiko sa loob ng 17 years na pag gagawad ninyo ng Quality Awards, sana po ay makatulong sa inyo ang aming karanasan sa Antipolo sa patuloy na pagsulong ng mataas na kalidad at pamantayan sa lahat ng pagkakataon. Higit sa lahat, ang pag-alay at pagdakila sa ating Diyos sa lahat ng ating ginagawa.