Muling umarangkada ang 7th Nutrition Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, noong Hulyo 31, 2019 sa Sapinit Elementary School. sa pangunguna ng City Health Office. Nabigyan ang 500 na bata at magulang ng mga aktibidad na alinsunod sa temang  “Kumain nang wasto para maging aktibo- Push Natin Ito!.”

“Nais nating turuan ang ating mga mag-aaral ng mga wastong pagkain upang sila ay maging aktibo hindi lang sa kanilang pag-aaral kundi pati na rin sa iba pang school activities. Bilang isang ina, napakahalaga sa akin na pangalagaan ang nutrisyon at kalusugan ng ating mga anak.” sabi ni Mayor Andeng.

Nagkaroon ng seminar para sa mga magulang kung saan itinuro ang mga tungkol sa proper sanitation, Dengue, Hand, Foot and Mouth Disease at Deworming. Tinuruan din sila ng urban gardening at FAITH (Food Always in the Home) na pinangasiwaan ng City Agriculture Office. Ang paggawa naman ng atsara at pichi-pichi ang itinuro ng City Cooperative and Livelihood Office sa mga magulang para pangdagdag kabuhayan.

Sa pangunguna ng Public Information Office (PIO) at City Health Office (CHO), inilunsad din ang Nutrisarap Kiddie Project para sa mga kindergarten pupils. Nagenjoy ang mga chikiting na matutunan ang Go, Grow, Glow foods at tamang paghuhugas ng kamay.

Simula 2014, malaki ang ibinaba ng malnutrition rate sa Antipolo City dahil sa mga nutrition programs na ipinatupad ng pamahalaang lokal.