CHO NutritionCaravan2Bahagi ng pagdiriwang ng 7th Nutrition Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares ang NutriSarap Kidde Project kung saan tinuruan ang mga kindergarten pupils ng Sapinit Elementary School na masarap at mainam kainin ang mga masusustansyang pagkain at tamang paghuhugas ng kamay. Layon ng programa na maitanim sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at kalinisan sa katawan.