CHO NutritionCaravanTagumpay na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares ang 7th Nutrition Caravan sa Sapinit Elementary School noong nakaraang Hulyo 31, 2019. Sa pangunguna ng City Health Office, nabigyan ng iba’t ibang aktibidad ang mga magulang at estudyante ng eskwelahan ng nagsusulong sa wastong nutrisyon at active lifestyle. Nagsagawa ng lecture ang CHOtungkol sa kahalagahan ng physical activity at healthy eating, proper handwashing, deworming, dengue prevention at urban gardening. Sumailalim din ang mga magulang sa livelihood training ng paggawa ng pichi-pichi at atsara na may masusustansyang sangkap. Nag-enjoy din ang mga bata sa NutriSarap Kiddie Program kung saan tinuruan sila ng mga Go, Grow, Glow Foods at ang tamang paghuhugas ng kamay.