CEWMO DENRSummit2Si Antipolo City Mayor Andeng Ynares, kasama si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antipordad, sa ginanap na 4th Annual Environmental Summit kamakailan sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City. Laking tuwa ni Mayor Ynares gayundin ng mga kawani ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO) nang kilalanin at bigyan ng dalawang Plaque of Recognition ng DENR IV-A ang Antipolo City para sa Best Environmental Technology at Best Available Practices. Maliban dito, pinarangalan ng DILG ang Antipolo bilang Hall of Fame Awardee noong 2018 dahil sa magaling na pagpapatupad ng environmental practices.