PublicServiceAdvisorySiya po si Lolo Felix Trinidad mula sa Lucena City. Sya ay natagpuang walang malay at hinihinalang nahulog sa may tulay sa may Sitio Kiskisan, Brgy. San Jose. Pinagtulungan syang sagipin ng City at Barangay Rescue at dinala sa RPHS Antipolo Annex II (Bgy Dalig).

Matapos paliguan ay pinatingan natin siya sa ating mga espesyalista sa ospital. Habang siya ay ating ginagamot at inaalagaan, hinahanap natin ang kanyang mga kamag-anak sa probinsya.

Sana po ay tulungan natin si Lolo Felix na mahanap at muling makapiling ang kanyang mga mahal sa buhay.

Maaari po tayong makipag-ugnayan sa ating CSWD +639178565264. Maraming salamat po