CHO MedicalAssistance2Abot-kamay para sa mahihirap na residente ang medical services nang ganapin ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, ang libreng health examination kamakailan sa City Health Office, Brgy. San Roque. Katuwang ang Abbot Laboratories, hatid sa mga benepisyaryo ang libreng prostate ultrasound, digital rectal examination, urine screening, at kidney stone ultrasound.  Target ng programa na tulungan ang mga mamamayang walang pambayad sa nasabing mga serbisyo at bigyan sila ng pagkakataon para makapagpa-check up sa mga propesyunal at espesyalista.