CHO MedicalAssistanceLibreng medical services ang hatid kamakailan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, katuwang ang Abbot Laboratories. Sa pangunguna ng City Health Office (CHO), hatid sa mga residente ang libreng prostate ultrasound, digital rectal exam, urine screening at kidney stone ultrasound. Layunin ng programa na tulungan ang mga senior citizens at mamamayang hirap o walang pambayad sa nasabing mga serbisyo.