CEWMO EnvironmentalSummitPaghubog sa kaisipan ng mga kabataan ang tinutukan ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, sa ginanap na Environmental Summit kamakailan sa Infant Jesus Academy. Pinangunahan ng mga kawani ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO) ang naturang summit kung saan nakiisa ang mga grade 9 hanggang grade 12 students. Tinalakay ng CEWMO ang tungkol sa wastong pamamahala ng mga basura, R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Management of 2000, at Seven Environmental Principles. Bilang pakikiisa, nagpasa ng resolusyon ang Student Coordinating Body sa pagpapatupad ng EcoSavers Program sa kanilang paaralan.