CGA 711PhilsNagsanib-pwersa kamakailan ang Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, at 7-Eleven Philippines sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig  mula Ilog Bayan, Colocob Bridge hanggang Hinulungang Taktak Falls. Humigit-kumulang 690 kgs. na basura ang nakolekta at agad na dinala sa city transfer station para ma-segregate at maproseso. Katuwang ang City Environment and Waste Management Office (CEWMO), nagkaroon din ng waste management orientation sa Hinulugang Taktak Protected Landscape (HTPL) na dinaluhan ng mga residente mula sa Barangay Dela Paz.