CEWMO NewEnvironmentalEnforcersReady to serve ang mga bagong talagang environmental enforcers ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, matapos ang kanilang graduation kamakailan. Nasa 117 sitio coordinator mula sa Barangay Dela Paz at Barangay Sta. Cruz ang nagtapos at kinilalang environmental enforcers matapos magdaan sa Paralegal Orientation/Seminar ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO). Tampok sa training ang pag-aaral tungkol sa mga ordinansa na mahigpit na ipinapatupad sa lungsod tulad ng Basura Code, “Tapat ko, Linis Ko,” paglilimita sa paggamit ng plastic bags at pagbabawal sa paggamit sa styrofoam. Ibinahagi rin sa mga enforcers ang tungkol sa kanilang responsibilidad sa pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.