CGA ZEPMaraming natulungan ang mga proyektong naipatupad ng Zero Extreme Poverty (ZEP) sa lungsod ng Antipolo katuwang ang pamahalaang lokal upang mai-angat sa kahirapan ang mga mamamayang namumuhay sa below poverty line. Partikular na dito ang mga katutubong Dumagat o kaya nama’y iyong mga namumuhay sa kabundukan ng Barangay San Jose na nabigyan ng educational assistance, medical care, agricultural training at livelihood assistance.

“Nagpapasalamat po tayo sa ZEP dahil hanggang ngayon ay kasama pa rin po natin sila sa ating adbokasiya ‘to end poverty.’ Sinimulan po ito ng aking asawa na si Mayor Jun Ynares at ngayon po ay going strong po ang ating partnership with ZEP. Kapag pinagsama po ang mga proyekto ng ating lungsod at ang mga proyekto ng ZEP mas lumalakas po ang impact nito sa ating komunidad, mas marami po tayong natutulungan, mas marami po tayong nakakalinga,” sabi ni Antipolo City Mayor Andeng Ynares.

Aktibo ang naging coordination at meetings ng ZEP at ng iba’t ibang city departments para maging matagumpay ang mga poverty alleviations projects nito. Tuloy ang edukasyon ng mga mag-aaral na tumanggap ng scholarship grant. Naging dagdag kabuhayan din para sa mga residente ang goat dispersal program.  Nabiyayaan din ang mga farmers ng mga farming kit/tools at sustainable agricultural training sa pagtatanim ng eggplant, okra, stringed beans at white ginger. Tinutukan din ang kalusugan ng mga residente sa pamamagitan ng mga libreng measles at anti-pneumonia vaccination, mosquito nets para iwas dengue, medical and dental mission at pagpapagawa ng mga Health Centers sa Canumay at Libis. Binibigyan din ng proteksyon ang mga kalupaan ng mga Dumagat sa pamamagitan ng Ancestral Domain Sustainable Development Protection Plan (ADSDPP) katuwang ang National Commission in Indigenous People (NCIP).