TreePlanting MissEarthPhAntipoloNasaksihan ng Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Andeng Ynares, ang dedikasyon sa kalikasan ni Miss Earth Philippines–Antipolo, Ms. Karla Barja, sa ginanap na tree planting activity kamakailan sa Hinulugang Taktak Protected Landscape (HTPL). Katuwang ang Travel with Purpose Organization, nasa 50 fruit bearing trees tulad ng santol, mangga, at rambutan ang naitanim ng mga nakilahok sa HTPL. Layunin ng programa ‘di lamang hikayatin ang mga Antipolenyo na pangalagaan ang kapaligiran kundi mas payabungin pa ito.