LingapKabataan9Nailigtas sa kapahakaman ang 37 na kabataan sa Antipolo City noong isang gabi sa tulong ng Operation Lingap Kabataan ng pamahalaang lokal sa direktiba ni Mayor Andeng Ynares. Nagtulong-tulong ang mga opisina at ahensya ng CSWD, OPSS, CPOC, at Antipolo PNP upang ligtas na maiuwi sa kani-kanilang bahay ang mga pasaway na kabataang dis-oras na ng gabi ay nasa lansangan pa o kaya nama’y nagbababad sa computer shop. Dahil sa programang ito, nailigtas sa peligro ang humigit-kumulang na 4,000 kabataang lumalabag sa curfew ordinance simula ng ikasa ito noong 2015. Sa kabila nito, madami pa rin ang mga kabataang naglalagi sa lansangan kaya patuloy ang pamahalaang lokal sa pagsasagawa ng Operation Lingap Kabataan.