gsis picPara po sa ating mga kababayan na kawani ng gobyerno at mga pensioners na nagkakaproblema sa pag-access ng mga GSIS kiosk, magkakaroon po pre-registration ng UMID Card Biometric Registration ang GSIS sa Antipolo City Hall simula ngayong Huwebes, Enero 24 hanggang 31.

Ang mga forms tulad ng UMID Enrollment Form at Customer Information Record ay available sa City Human Resource Management Office (CHRMO) sa 2nd Floor ng Antipolo City Hall. Magdala rin ng photocopy ng dalawang valid ID na may birthday at pirma.

Para sa mga katanungan at dagdag na impormasyon, makipag-ugnayan lang sa numero 6894542 o 6894545 at hanapin si Jason, Tim o Grace.