CGA TODARewardHuwag natin lahatin. Karamihan sa kanila ay dapat hangaan at tularan. May i-ilan lang talaga na dapat kalusin at kastiguhin.

 

Sa huling 2 linggo, ilan sa mga patunay ng kabutihan ng ating mga tricycle drivers:

Driver 1 - Ramon del Rosario, Jr., kasapi ng MAPHTODA na nagsauli ng wallet na may lamang P3,000.00.

Driver 2 - Rufino Vellejo, kasapi ng PUMDA TODA, na nagsauli ng smartphone ng kanyang pasahero.

Driver 3 - Ronel de Guzman, kasapi ng SSL TODA, na tumutulong sa kanyang pasaherong biktima ng aksidente. Nagbigay ng P1,000 ang nakabangga at nangakong babalik at mag-aabot pa ng tulong ngunit tuluyang tinakasan ang obligasyon at hindi na bumalik at nagpakita. Nag papasalamat ang mga kaanak ng biktima ... dama nila ang malasakit dahil raw-araw pa rin dinadalaw ni Driver Ronel ang kanilang ina para kumustahin.

Driver 4 - Richmond Garcia, T-TODA, na nagsauli ng smartphone na nadaanan nya sa kalsada.

Sa dami ng mga pangit na pangyayari sa mundo, nakakagaan at nakakaganda sa pakiramdam na may mga mabubuting tao pa rin na nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa atin 😊👍🏻