Announcement5Nagsimula nang tumanggap ang DOST ng mga aplikasyon para sa 2020 Undergraduate Scholarship Program nito. Kung ikaw ay graduating senior high school STEM strand student o nasa upper 5% non-STEM strand ng iyong buong batch, maaari kang mag-apply. Para sa mga interesado, maaaring mag-submit ng inyong aplikasyon sa DOST PSTC Rizal sa DOST Building, URS Antipolo Campus, Barangay San Roque hanggang September 6, 2019. Ang mga application forms ay downloadable sa www.sei.dost.gov.ph