CHO PneumoniaVaccination6Napansin ko po na karamihan sa mga comments at suggestions sa ating FB post tungkol sa pag ikot ni mayor Andeng para mag bigay ng free anti-pneumonia vaccine para sa ating senior citizens ay sana daw magkaroon po para sa mga bata. Actually, matagal na po tayong may libreng bakuna para sa mga bata. Hindi ko lang po naipopost sa social media tulad ng FB dahil medyo busy po tayo sa ibang concerns ng ating lungsod at madaming pinapagawa si Mayora Andeng 😁✌🏻

Pero sa mga magulang na nais mapabakunahan ang kanilang mga anak ng bakuna kontra pulmonya (PCV), tuloy-tuloy po ang ating libreng bakuna para sa mga batang edad 6 weeks hanggang 5 months old.

Makakatipid sina nanay at tatay dahil kung sa pribadong ospital o clinics po natin ito ia-avail ay umaabot ito ng P4,000.00 pataas.

Makipag-ugnayan po lamang sa ating City Health Officer Dra. Concepcion Lat sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa M. Santos St., Brgy. San Roque.

#AntipoloCity
#PneumoniaFreeCity
#HealthyCity
#ChildFriendlyCity