BalikEskwelaCaravan11Pro-active ang Antipolo City Government sa desludging at monitoring ng septic tanks sa mga pampublikong eskwelahan bilang bahagi ng Brigada Eskwela. Kabilang sa mga paaralang naserbisyuhan ng Antipolo LGU ang Dalig National HS, Isaias Tapales ES, at Teofila Z. Rovero Memorial ES. Katuwang ang Task Force Manila Bay at Manila Water, target ng nasabing programa ang mas malinis na kapaligiran para sa mga estudyante upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at ma-promote ang tamang personal hygiene.