FlagCeremony1Marami sa ating mga kababayan ang sumaksi sa Inaugural Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Lungsod kahapon, Hulyo 1, 2019 sa Sumulong Park.

Present sa pagtitipon ang mga bagong halal na opisyal ng lungsod. Mainit na pagtanggap ang isinalubong ng ating mga kababayan sa bagong halal at kauna-unahang babaeng Punong Lungsod sa kasaysayan ng Antipolo na si Mayor Andrea B. Ynares.

Sa kanyang mensahe, buong galak niyang sinambit na magtutuloy-tuloy ang progreso ng lungsod na sinimulan ni Mayor Jun Ynares.

#MayorAndreaYnares
#TayoNaAntipolo