Announcement2Alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, mariing ipinagbabawal ang pagpapalipad ng lobo sa mga ispesyal na okasyon tulad ng birthday party, kasal at libing sa kadahilanang ang mga lobong ipinapalipad ay nagiging basura sa oras na ito ay bumaba na sa ating mga karagatan at kabundukan. Ang mga mahuhuling lalabag sa kautusang ito ay papatawan ng multa mula 300 hanggang 1000 piso o parusang community service mula 1 hanggang 15 araw.