Congratulations AthletesPride and joy ng Antipolo City ang 7 youth athletes nito na nagkamit ng 13 medals sa ginanap na Palarong Pambansa sa Davao City noong April 22 hanggang May 5 taong kasalukuyan. Dito nagpakitang gilas ang lahat ng mga manlalaro sa buong bansa sa larangang ng iba’t ibang sports kung saan namayagpag ang mga atleta ng Antipolo City sa gymnastics, swimming at badminton. Ipinaabot ng DedEd-Antipolo ang kanilang pasasalamat sa suportang natanggap nila mula sa pamahalaang lokal.

“Basta po sa mga kabataan, all-out po ang suporta natin sa kanila. Mas gugustuhin po natin na malulong sila sa sports kaysa sa barkada o sa drugs kaya po patuloy tayo sa pagbibigay ng mga sports programs at mga incentives sa ating mga kabataan para mas maengganyo sila sa sports. Congratulations po sa ating mga youth athletes! You make Antipolo City proud,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Labing-isa lahat ang delegado ng lungsod na kabilang din sa Rizal Team. Isang pang karangalan para sa Antipolo City ang pagkakasama ng isa sa mga badminton player sa Philippine Team ng ASEAN School Games na gagawin sa Semarang, Indonesia sa darating na July.