CEWMO ArborDay3Yes na yes ang Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, sa pagtatanim ng puno para sa taunang pagdiriwang ng National Arbor Day noong Hunyo 25, 2019 na ginanap sa Government Center Eco Park, Brgy. Inarawan. Sa pangunguna ng City Environment and Waste Management Office (CEWMO), humigit-kumulang 500 puno ang naitanim ng 286 indibidwal na nagmula sa pamahalaang lokal at nasyunal, youth leaders, at pribadong sektor. Kabilang ang tree planting activities sa mga major projects ng lokal na pamahalaan para tugunan ang climate challenges ng bansa kung saan kabilang din ang Materials Recovery Facilities (MRFs) at clean-up drives sa mga daluyan ng tubig.