CEWMO ArborDay2Daan-daang mga volunteers ang nakilahok sa malawakang tree-planting activity na ginanap sa Government Ecopark ngayong araw, June 25, 2019. Alinsunod sa Proclamation No. 396, s. 2003, isinagawa ang programang pinamunuan ng City Environment and Waste Management Office. Nakilahok sa naturang aktibidad ang mga kawani mula sa Sangguniang Kabataan, Department of Education, Provincial Environment and Natural Resources Office, at mga representatives mula sa private sector. Setting a good example to their constituents, aktibo ring naki-join at firsthand na nagtanim ng seedlings sina Vice Mayor Pining Gatlabayan, Kon. Susan Say, Kon. Loni Leyva, Kon. Nixon Aranas, Kon. Joel Huertas, SK President Peter Papel, Jr., at Brgy. Mayamot Captain Pablo Oldan.

Mula po sa Pamahalaang Lungsod at kay Mayor Jun Ynares, maraming salamat po sa lahat ng mga nakijoin sa Arbor Day 2019! Next year ulit ha, kita kits!

#TayoNaAntipolo 
#MayorJunYnares