CityVet RabiesFree3Umiikot po ang ating City Pound personnel sa iba't ibang bahagi ng siyudad at dumarating na lamang po sila nang unannounced. Paalala, hindi po okay na nasa kalye po ang ating mga alaga dahil (1) dumudumi sila kung saan-saan, (2) nasa panganib sila ng rabies exposure mula sa ibang hayop o kaya sila mismo ang magta-transmit nito sa mga tao sa pamamagitan ng pagkagat, (3) nagkakalat sila ng mga basura, pati ng lahi nila.🐱

Sakaling kayo po ay nahulihan ng minamahal na alaga ay mangyaring makipag-ugnayan po sa City Veterinary Office, sa GAD Center Building ng Antipolo City Hall, maaaring tumawag sa 689-4514. Tatlong (3) araw lamang po ang ibinibigay upang inyo silang matubos.

Tayo na't isulong ang pagiging #AntipolenyoDisiplinado