OneStrikePolicyPatuloy po naming hinihikayat ang publiko na isuplong AGAD sa mga otoridad ng siyudad, sa pamamagitan ng OFFICIAL NUMBERS na nakasaad sa mismong Opisyal na Taripa, ang inyong karanasan sa mga tricycle driver na sobra maningil at/o masungit/maangas.

Bagaman mayroon po tayong mga deputized OPSS/PTRB personnel na sumusuheto sa mga abusadong public transport provider ay napakalaki po ng Antipolo at mahigit 12,000 ang tricycle units na nagse-serbisyo. Gayunman ay malaki po ang maitutulong nating mga pasahero sa gobyerno, sa simpleng pag-report lang ay maipatatawag natin sa City Hall ang inirereklamong driver at/o TODA, at kung umabot na sa apat (4) ang complaints na naisampa laban sa driver ay KANSELASYON NA NG PRANGKISA ang haharapin nito.

Ito po ang mga detalyeng inaalam namin:

- Plate Number
- Offense ng driver
- Saan nangyari ang insidente
- Magkano ang singil/siningil
- Contact number ng complainant

Maaari din po ninyo itong i-send dito mismo sa aming Messenger.

Atin pong tandaan, sa isang bayang disiplinado at progresibo, ang mamamayan at gobyerno ay magkatulong.