AlertoAntipoloSinimulan ngayong araw Hunyo 18 ang 4 days Contingency Planning Formulation Workshop. Layunin ng nasabing workshop na bumuo ng mga back-up plans kung sakaling dumating ang mga pagkakataong magdudulot ng disaster na dala ng baha, lindol o human induced disasters. Pinangunahan ng Antipolo City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDRRMO) kasama ang iba pang kasapi ng City Disaster Council ang collaborative at collective activity dahil dito sa Antipolo Bida ang Handa.