CHRMO HanapBuhaySa mga naghahanap po ng trabaho, baka gusto nyo po maging bahagi ng city government.

May sisibakin na naman kami....9 na tiwaling OPSS personnel. Kulang na kulang na nga kami sa mga OPSS, eto na naman at mababawasan pa.

Kaya bukod po sa mga kwalipikasyong naka post, ang pinaka mahalaga, kayo po ay tapat at mapagkakatiwalaan.

Mula noong 2013 hanggang ngayon ay patuloy tayo sa paglilinis ng pamahalaan dito sa lungsod para manumbalik ang tiwala ng ating mga mamamayan sa gobyerno. Sana po ay makatuwang namin kayo. Salamat po