CityVet RabiesFree2Ayon po sa City Ordinance No. 2001-074 (as amended by City Ordinance No. 2004-165) ay BAWAL po ang mga alagang hayop sa labas ng ating bakuran, kahit pa po sila ay nakatali o may silong/doghouse.

Maaari naman po silang ilabas for a walk pero kailangan pong tethered sa may-ari, at kung dudumi man ito ay kailangang damputin ng may ari ang dumi.

***

Kung mayroon po kayong alaga na naaabutan at nahuli ng ating animal impounding team ay mangyaring makipag-ugnayan po sa City Veterinary Office (tel. 689-4514 | 2/F GAD Center Building, Antipolo City Hall) para po matubos ang alaga. Binibigyan po tayo ng tatlong (3) working days para dito.

Ang ikapagiging malinis, disiplinado, at ligtas mula sa rabies ng ating siyudad at bansa ay sa atin po mismong mga indibidwal magsisimula.

#AntipolenyoDisiplinado #RabiesFreeAntipoloCity