SMCherry DinoParkHit na hit ang instagrammable at educational na “Dinos in the Mall” attraction ng SM Cherry na binuksan noong Hunyo 1, 2019 para sa mga Antipolenyo. Maligayang nakiisa ang Antipolo City Gov’t, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares sa naturang event kung saan matatagpuan ang iba’t ibang replica ng dinosaurs tulad ng Velociraptor, Triceratops, at Tyrannosaurus. Maliban sa selfie kasama ang mga dinos, nagkaroon din ng face painting at figurine painting activity. Layunin ng naturang atraksyon na pagyamanin ang kaalaman ng mga bata at matatanda pagdating sa iba’t ibang uri ng dinosaurs. Magtatagal ang Jurassic display hanggang Oktubre 31 kung saan nakatakda ring magkaroon ng iba pang mga programa gaya ng photo contest, pet events at bazaar, at educational tours.