AhunanngmgaMarikeño2Maligayang tinanggap ni Antipolo Mayor Jun Ynares ang token of appreciation mula kay Marikina City Mayor Marcy Tedoro sa ginanap na “Ahunan sa Antipolo ng mga Marikeño” noong Hunyo 3, 2019. Ibinahagi ni Mayor Ynares sa harap ng mga kawani ng dalawang lungsod na patuloy ang paglakas ng ugnayan ng Antipolo at Marikina dahil sa matinding pananampalataya sa Mahal na Birhen. Patunay umano ang taunang pagdiriwang na hindi kailan man mawawala ang pagkakaibigan at tiwala ng mga Antipolenyo at Marikenyo sa isa’t isa.