AhunanngmgaMarikeñoMaligayang tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, si Marikina Mayor Marcy Teodoro kasama ang mga kawani ng Marikina City Gov’t sa ginanap na tradisyunal na “Ahunan sa Antipolo ng mga Marikeño” noong Hunyo 3, 2019. Daan-daang Marikeño ang umakyat sa lungsod bilang panata sa Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay kung saan bahagi nito ang misa sa Antipolo Cathedral at pagbisita sa City Hall. Higit pa sa pagpapakita ng pananampalataya, layunin din ng naturang pagdiriwang ang pagpapalakas sa ugnayan ng dalawang lungsod.