CHO HealthWorkers1Salamat sa pagtutulungan ng Antipolo City Government at Global Fund, nabiyayaan ang City Health Office (CHO) ng dalawang Upper-Room Germicidal Ultraviolet (GUV) Fixtures upang mabawasan ang transmission ng tuberculosis sa mga health workers at iba pang taong nangangalaga sa mga pasyenteng may sakit na tuberculosis. Napili ng Global Fund ang Antipolo City bilang pioneer recipient ng nasabing GUV Fixtures sa lalawigan ng Rizal.

“Maraming salamat po sa Global Fund dahil sadyang malaking tulong ang mga GUV fixtures na ito sa kalusugan ng ating mga health workers dahil kailangan din po natin pangalagaan ang kapakanan nila. Hindi na po sila highly exposed sa TB virus dahil sa pamamagitan ng mga GUV fixtures ay nadi-disinfect ang mga virus at napupuksa ang produksyon nito,” sabi ni Mayor Jun Ynares.

Bukod sa patuloy na pagpapalago ng Antipolo CHO – TB DOTS, umabot na sa humigit-kumulang na 20,000 na TB patients ang nabigyan ng libreng gamot ng pamahalaang lokal simula 2013.

Samantala, aktibo ang organisasyon ng Global Fund sa pagtulong na  mapigilan at mabawasan ang AIDS, Tuberculosis at Malaria.