LingapKabataan8Nailigtas sa kapahamakan ang 33 menor-de-edad na dis-oras na ng gabi ay nasa lansangan pa sa Brgy. San Isidro, Antipolo City. Sa direktiba ni Mayor Jun Ynares, aktibong ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ang Curfew Ordinance nito kaakibat ang OPLAN Lingap Kabataan sa Lansangan upang maisalba sa peligro ang mga kabataan at mabigyan ng tamang pangangalaga. Dinala ang mga na-rescue sa Lingap Kabataan Center kung saan sila binigyan ng counseling pati na rin ang kanilang mga magulang sa ilalim ng pangangasiwa ng CSWD. Umabot na sa 4,000 ang natulungan ng OPLAN Lingap Kabataan mula nang ilunsad ito noong 2015.