MaytimeFestival19Perfect na perfect at glamorosang rumampa ang 35 na naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang barangay sa ginanap na Grand Sagala bilang bahagi pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival 2019 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo,  sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong May 19, 2019. Sa pangunguna ng City Tourism Office, poise na poise na pumarada ang mga lumahok suot ang kanilang fabulous at makukulay na gown mula sa Ynares Center hanggang Sumulong Park. Nag-uwi ng cash prizes ang mga nagwagi ng Best Float and Most Beautiful awards. Nakiisa rin sa programa sina Kon. Paui Tapales at Kon. Agnes Oldan.