MaytimeFestival18Sabay-sabay nagmartsa ang mga miyembro at taga-suporta ng LGBTQ Community, kaisa ang Antipolo City Government, sa ginanap na Pride March noong Mayo 18, 2019 sa kwatro kantos ng Poblacion. Sa pagtutulungan ng Antipolo City Culture, Arts, and Tourism Promotions Office, Transpinay of Antipolo Organization at iba pang stakeholders, nabuo ang programa na may layuning isulong ang pantay-pantay na pagtingin ng lipunan sa LGBTQ community. All-out sa Pride March ang mga kandidata sa Queen of Antipolo 2019 na rumampa suot-suot ang kanilang mga makukulay at magagarbong Mardi Gras inspired outfits.