MaytimeFestival17Nasaksihan ng madlang people ang mga nagagandahang dilag ng Antipolo City sa ginanap na Grand Sagala noong May 19, 2019. Bahagi ito ng pagdiriwang ng Antipolo Maytime Festival 2019 ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, at sa pangangasiwa ng City Tourism Office. Poise na poise na pumarada mula Ynares Center hanggang Sumulong Park ang mga dalaga suot ang kanilang mga fabulous at makukulay na gown. Nag-uwi ng cash prizes ang mga nagwagi ng Best Float at Most Beautiful awards. Nakiisa rin sa programa sina Kon. Paui Tapales at Kon. Agnes Oldan.