MaytimeFestival16Muling bumida ang kulturang Pilipino sa ginanap na Cultural Presentation ng Antipolo City Government, sa pamumuno ni Mayor Jun Ynares, noong Mayo 18, 2019 sa Vista Mall kung saan nagpakitang-gilas sa pagsasayaw ang mga mag-aaral ng Antipolo National High School. Nakiisa sa naturang programa si Konsehal Paui Tapales. Bahagi pa rin ito ng annual Maytime Festival ng Antipolo.