MaytimeFestival14Halika na at mamili sa Antipolo Maytime Festival Bazaar sa Vista Mall, Bgy San Roque! Bongga ang naging opening ng bazaar noong May 17, 2019 sa naganap na ribbon cutting ceremony na pinasaya pa lalo ng mga cultural dancers ng Antipolo National High School. Makikita mo dito ang iba’t ibang items katulad ng mga herbal product, bags, accessories, house decoration, yummy delicacies at iba pa. Isa na namang activity ang nagpasaya sa pagdiriwang ng lungsod ng Antipolo Maytime Festival 2019!